My Blog List

Thursday, August 19, 2010

munting tula



itong munting tula handog sa mga ina...


...Sana maalala ko pa,
 sa pag hulog ng mga taon tulad ng dahon sa taglagas,
Ang ating mga dinaanan, 
sana hindi sa memorya ko ay magwakas.
Ang iyong pagpalaki sa akin, 
para sa iyo ay malaking hamon,
Mailayo ako sa galos o sa mga kaalamang hindi naaayon.
Sana maalala ko pa, 
ang panahong tayo'y magkasama,
Naramdaman ko sana ang pag mamahal mo, 
malayo man aking ama.
At sa pag lubog ng bawat araw, 
sana iyong napuna,
Wala man siya sa iyong piling, 
puso ko'y lagi mong kasama....

~aiz_ver~

No comments:

Post a Comment